Lunes, Oktubre 12, 2015




KONTROBERSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA

Mainit na isyu ngayon ang pag-aagawan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea. Paano ba naman, mayaman sa likas na yaman ang lugar na yun. Isa pa ay ang stratehikong lokasyon nito. Talagang mainit ito sa mga mata ng mga dayuhan lalong lalo na sa Tsina.

Ano ang pinanghahawakan ng Tsina para angkinin ang West Philippine Sea?

Ginagamit nila ang mga lumang mapa na hindi naman eksakto. Ginagamit din nila ang 9-dash line sa pag-angkin ng nabanggit na teritoryo. Ang 9-dash line ay ang sinasabi ng Tsina na teritoryong sakop ng kaniang bansa. Ito’y walang tiyak na coordinates.


Ano naman ang pinanghahawakan ng Pilipinas para angkinin ang West Philippine Sea?

Ginagamit ng Pilipinas ang UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas). Sinasaad dito na maaring angkinin ng bansa ang dagat (at lahat ng mga isla dito) na napapaloob sa ECZ (200 nautical miles) ng bansa.




Ano ang ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea?

Sinisira nila ang mga bahura doon. Tinambakan nila ng buhangin ang mga bahura doon upang gawing isla. Apektadong apektado ang ating likas na yaman. Pinapatrolya nila ang karagatan at binubully ang mga mangingisdang Pilipino. Noong una'y maliliit na bangkang pangisda lang ang naroon ngunit ngayo'y naglalakihang barko na. Nililibot nila ang West Philippine Sea at binubully nila ang mga mangingisdang Pilipino.


Ano ang opiniyon ko?

Bilang isang mag-aaral, nakikita kong hindi ito tama. Inaalila nila tayo na parang isa lamang tayong langgam. Dapat tayong lumaban ngunit hindi sa madugong paraan kundi sa paraang mapayapa. Sa ganitong paraan matatamo natin ang kapayapaan na walang dugong dadanak.

Maraming salamat po sa oras at panahong inilaan niyo sa pagbasa nito. Sanay may napulot kayong kaalaman dito. ^_^

Mga video mula sa PCOO EDP tungkol sa isyu sa West Philippine Sea:

Kalayaan: Karapatan sa Karagatan (Episode 1), 15 June 2015
https://www.youtube.com/watch?v=Mg054KokdLg

Kalayaan: Pamanang Karagatan (Episode 2), 22 June 2015
https://www.youtube.com/watch?v=nQ04AyZdwew

Kalayaan: Paninindigan para sa Karagatan (Episode 3), 07 July 2015
https://www.youtube.com/watch?v=Q3Clhx4TM3M


Mga reference:











16 (na) komento:

  1. totoo yan pare. prang hndi nila tayo nirerespeto

    TumugonBurahin
  2. Hindi na sana sira'in pa ng tsina ang mga bahura na pagmamay ari natin dahil nasisira ang ecosystem sa dagat dahil sa ginagawa nila.

    TumugonBurahin
  3. Hadlok mu engage ang Philippines og defensive measures sa pag own at the same time offensive measures against china kay world war 3 might happen hahaha

    TumugonBurahin
  4. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  5. Dapat tugunan na ng United Nations ang conflict na ito bago pa tuluyang lumala. Dapat nilang alalahanin ang kapayapan sa rehiyon. Alam ng UN na ang land grabbing ay hindi makatarungan. Kapag hinayaan nila ang China sa sinimulan nila gagawin din niya ito sa kalapit bansa nya.

    TumugonBurahin
  6. The government needs to continue the fight for the right ownership

    TumugonBurahin
  7. Sa tingin ko, ang isyu ng west Philippine sea ay isang kaguhluhan na magdudulot lamang ng gyera sa mga Tsino. Alam naman natin na may karapatan din naman tayo sa mga mineral na matatagpuan sa west Phil. Sea, ngunit isa isip natin na kung magkakaroon din naman ng giyera sa pagitan ng Tsino at Pilipinas, kung ganoon, ibigay nalabg natin sa kanila ang karagatan dahil mas marami tayong makukuhang pinsala kapag ang giyera man ay matutuloy at maraming tao ang mamatay dahil lang sa pagkabuaya ng tsino at Pilipinas

    TumugonBurahin
  8. Absurd but it is not unexpected especially from a power hungry nation.

    TumugonBurahin
  9. We should be aggressive in defending our rights over the West Philippine Sea. We must prove to China that we mean business and that we are the rightful owners of the West Philippine Sea.

    TumugonBurahin
  10. Isa lang masasabi ko..walang South China Sea...hindi yan nag iexist! Meron lang West Philippine Sea. Tapos ang usapan!

    TumugonBurahin
  11. The Philippines has enough proof of documents to claim what rightfully belongs to our fellowmen. What we need is to strengthen our forces to protect the area, at the same time, for the government to exert more efforts in gaining allies to assist us and believe in this journey.

    TumugonBurahin
  12. I am with you in this fight, Kuya. Go Philippines!

    TumugonBurahin
  13. They should not do something that against the law. I mean the Philippine treasure that Island, they didn't destroyed it for purpose in life or business. They have said to be that Island they claim have many resource, and us Filipino know that, but what the Filipino did was maintain so that fish can live in that place, so that fisher man can get fish.

    TumugonBurahin
  14. Sana mapayapa na paglutas sa problemang ito. As I know, China is greedy and it's a miracle if they give it back to us peacefully.

    TumugonBurahin
  15. Kailangan natin ipaglaban ang karapatan natin sa ating teritoryo sa WPS, ngunit kailangan nating ipaglaban iyon sa mapayapang paraan.

    TumugonBurahin