KONTROBERSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
Mainit na isyu ngayon
ang pag-aagawan ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea. Paano ba naman,
mayaman sa likas na yaman ang lugar na yun. Isa pa ay ang stratehikong lokasyon
nito. Talagang mainit ito sa mga mata ng mga dayuhan lalong lalo na sa Tsina.
Ano ang pinanghahawakan ng Tsina para angkinin ang West Philippine Sea?
Ginagamit nila ang mga
lumang mapa na hindi naman eksakto. Ginagamit din nila ang 9-dash line sa
pag-angkin ng nabanggit na teritoryo. Ang 9-dash line ay ang sinasabi ng Tsina na
teritoryong sakop ng kaniang bansa. Ito’y walang tiyak na coordinates.
Ano naman ang pinanghahawakan ng Pilipinas para angkinin ang West Philippine Sea?
Ginagamit ng Pilipinas ang UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas). Sinasaad dito na maaring angkinin ng bansa ang dagat (at lahat ng mga isla dito) na napapaloob sa ECZ (200 nautical miles) ng bansa.Ano ang ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea?
Sinisira nila ang mga bahura doon. Tinambakan nila ng buhangin ang mga bahura doon upang gawing isla. Apektadong apektado ang ating likas na yaman. Pinapatrolya nila ang karagatan at binubully ang mga mangingisdang Pilipino. Noong una'y maliliit na bangkang pangisda lang ang naroon ngunit ngayo'y naglalakihang barko na. Nililibot nila ang West Philippine Sea at binubully nila ang mga mangingisdang Pilipino.
Ano ang opiniyon ko?
Bilang isang mag-aaral, nakikita kong hindi ito tama. Inaalila nila tayo na parang isa lamang tayong langgam. Dapat tayong lumaban ngunit hindi sa madugong paraan kundi sa paraang mapayapa. Sa ganitong paraan matatamo natin ang kapayapaan na walang dugong dadanak.Maraming salamat po sa oras at panahong inilaan niyo sa pagbasa nito. Sanay may napulot kayong kaalaman dito. ^_^
Mga video mula sa PCOO EDP tungkol sa isyu sa West Philippine Sea:
Kalayaan:
Karapatan sa Karagatan (Episode 1), 15 June 2015
https://www.youtube.com/watch?v=Mg054KokdLg
Kalayaan: Pamanang Karagatan
(Episode 2), 22 June 2015
https://www.youtube.com/watch?v=nQ04AyZdwew
Kalayaan:
Paninindigan para sa Karagatan (Episode 3), 07 July 2015
https://www.youtube.com/watch?v=Q3Clhx4TM3M
Mga reference: